Create your own banner at mybannermaker.com!

Thursday, June 21, 2007

Napa dollar ka anak ! ! !

Si maria ang pinaka magandang babae sa kanilang lugar, ay pinag-kakagulohang akyatin ng ligaw ng mga lalaki. Isang gabi isang lalaking Engineer ang umakyat ng ligaw.

Engineer : ( kumatok ng pinto) tok, tok, tok.
Tatay ni maria: sino yan!
Engineer : Si Bianong po' yong Engineer dyan sa bayan, aakyat po sana ng ligaw sa anak nyo.
Tatay: aba'y, anong oras na ba at gabing gabi nay, dumadalaw ka pa!, tulog na si Maria!, balik ka nalang bukas!. Hindi pinatuloy ang Engineer.

Isang gabi may dumadalaw uli, Dentista raw.
Dentista: (tok.tok,tok) katok sa pinto
Tatay: sino yan!
Dentista: ako po', si Tiopilo yong Dentista dyan sa bayan, aakyat po sana ng ligaw sa anak nyong si Maria.
Tatay:( nag bukas ng pinto at bumubulong "tang' inang tong") anong oras na ha?. sabay latag ng tatay ng banig sa sala upang umalis na ang dentista.

At ng isang gabi uli, may kumatok sa pinto at sabi ng tatay ni maria.
Tatay: sino yan! (anak ng P......)
Lalaki: Magandang Navy po'. Nabigla ang tatay ni Maria at halos mag-kandarapa sa pag bukas ng pinto.
Tatay: Oh... napaDollar ka anak, halika pasok ka
Lalaki: Salamat po'
Tatay: Aba'y anong oras na ba ha?
Lalaki: Times 46 na po'

Tatay: Aba eh....,Maria gumising ka dyan at may bisita ka, dalian mo

No comments: